skip to main |
skip to sidebar
bakang umunga-lundag
guyang hinimod
pag-ika, mga yabag
sa umpugan, pagsuwag
luntiang pulo
sa lupa kinakalag
bulaklak ng talahib
kumikiliti
puwing, hatsing at idlip
dalangin ng palaka
langit sa lupa
pising kagat, niluwa
sabay pag-ikid, larga
umaalagwa
lupa't langit, hinila
dilang pula lumapa
luntian sahig
dapithapong malasa
sugat ng bukid, kalat
lusak kalabaw
langaw lamok minalat
sipsipin tamis-katas
hibla ng damo
kuliglig na nagwakas
sa siyato kinuyog
naputol, dugo
umugong na bubuyog
tubo, sunog na mais
lusaw na yelo
ilang gabing matamis
dyameng malambot
kamang panluksong-baka
butong umiyak
tingkad na tawag
butil dilaw lumangoy
dagat ng gata
nagtatatakbo
lunod-langoy sa pawis
ubos ang tuhod